Manila

Philippines

Space Apps Manila was held on October 19th, 20th & 21st. Thank you to the 84 people who joined the International Space Apps Challenge at this location.The local results, including the work of 24teams, can be found below!
Thanks Manila!

Tara na at sumali sa pinakamalaki at pinakamasayang hackathon sa sangkalawakan! Makibahagi sa paglutas ng mga hamon na ikinakaharap natin sa mundong ito at sa kalawakan gamit ang makabagong teknolohiya at agham.

global community-01.png

Ano ba ang Space Apps?

Ngayon sa ika-8 taon, isang pangdaigdigang hackathon ang Space Apps para sa mga coder, siyentipiko, taga-disenyo, mananalaysay, tagagawa, tagabuo, technologist, at iba pa sa mga lungsod sa buong mundo, kung saan nakikipag-ugnayan ang mga pangkat sa malaya at bukas na data ng NASA upang tugunan ang mga makatotohanang suliranin sa Daigdig at kalawakan. Kasama sa 2018 ng Space Apps ang mahigit sa 18,000 na mga kalahok sa higit 200 na mga kaganapan sa 75 na mga bansa.

Kailangan ng mundo ang kaalaman mo

Binibigyan ka ng pagkakataon ng Space Apps upang makapagbigay-buhay sa mga proyekto para sa samu't-saring mga aplikasyon. Inaasahan naming makita kung anong makabagong, malikhaing kaalaman ang dadalhin mo sa lipunan ngayong taon.

Pagkakataon ang Space Apps na makaranas, pag-eksperimentuhan, at tuklasin mo ang mga kasagutan sa mga pinakamalaking hamon ng ating sansinukob!

Ano ba ang Space Apps Challenge?

Mula sa pag-uumpisa nito noong 2012, naging pinakamalaking pandaigdigang hackathon sa mundo ang International Space Apps Challenge ng NASA, na hinihikayat ang libu-libong mamamayan sa buong mundo na gamitin ang malayang data ng NASA upang bumuo ng mga makabagong paglutas sa mga hamong kinakaharap natin sa Daigdig at kalawakan.

Binibigyang-inspirasyon ng Space Apps ang mga maliliit na pamayanan upang magkaisa, mag-isip nang mabuti, at lumikha ng mga sagot sa mga mahahalagang suliranin. Bawat taon, hinihikayat ng Space Apps ang libu-libong katao sa mga lungsod sa buong mundo upang gamitin ang open source data ng NASA sa isang 48-oras na paligsahan. Nagtutulungan ang mga pangkat ng mga teknolohista, siyentipiko, taga-disenyo, mangangalakal, alagad ng sining, at iba pa upang sagutin ang ilan sa mga pinakamabibigat na hamon sa Daigdig at kalawakan.

Paano ba ginaganap ang Space Apps?

Sa isang weekend kada taon, sabay-sabay na ginaganap sa buong mundo ang isang 48 na oras na sprint kung saan sinusubukang lutasin ng mga kalahok ang mga hamong inimungkahi ng NASA, paglikha ng mga laro, smartphone at computer na mga app, video, kagamitan sa pagtuturo, at marami pang iba.

Nagbabago-bago ang mga hamon kada taon sa ilalim ng tema ng Daigdig at kalawakan. Heto ang ilan sa mga pinakasikat na hamon noong nakaraang taon kung saan kasama ang ilang paksa gaya ng nagsasariling pagsisiyasat ng sasakyang pangkalawakan, sa pagmamanman ng mga sakuna, upang tuklasin ang kariktan ng Sansinukob.

Philippine hackathon

Sino at Bakit?

Sino ba ang dapat makilahok sa Space Apps?

Pupuwede ang lahat sa Space Apps. Gusto ng mga karaniwang lumalahok sa Space Apps ang agham pangkalawakan at pananaliksik, pagiging malikhain mo, at pagkanais mong lutasin ang mga suliranin. Higit sa 18,000 na katao mula sa 75 na mga bansa at sa 200 na mga lungsod sa buong mundo ang lumahok noong 2018 na International Space Apps Challenge.

Binubuo ang Space Apps ng pakikipagkapit-bisig. Bilang kabahagi ng Space Apps, kasama ka sa isang pandaigdigang samahang hackathon tampok ang pakikipagtulungang aabot hanggang sa laylayan, kalipunan, at kalinangan upang makamit ang pagbabagong ganap.

Rizal Park

Bakit ginaganap ng NASA ang Space Apps?

Ipinapakilala ang mga tagapagpalutas ng mga suliranin sa buong mundo ng Space Apps sa malaya at bukas na data ng NASA. Ang mga misyon ng NASA sa Daigdig, ating Araw at sistemang solar, at sa labas patungo sa sansinukob - pinagtitipon-tipon ang lahat ng data sa paghahangad ng bagong kaalaman, upang mapalawak ang ating pagkakaunawa sa pamamagitan ng mga bagong tuklas na pang-agham, at upang tulungan tayong mapabuti ang buhay sa Daigdig. Sa pamamagitan ng paggamit ng data ng NASA upang malutas ang mga hamon bawat taon, natututo ang mga koponan ng Space Apps hinggil sa data ng NASA, at ibahagi sa paglikha at paggamit ng kaalaman na may kabuluhan.

Binibigyang-inspirasyon ng Space Apps ang pakikipagtulungan, pagkamalikhain, at pag-iisip ng mabuti, paghikayat na magkaroon ng interes sa Daigdig at agham pangkalawakan at pananaliksik, at hinihikayat ang paglago at pagkakasari-sari sa susunod na salinlahi ng mga siyentipiko, teknolohista, taga-disenyo at inhinyero. Pinapangasiwaan ng Earth Science Division, Science Mission Directorate, ang Space Apps doon sa Punong Himpilan ng NASA sa may Washington, DC.

Pinoy global winners being incubated by Animo Labs.jpg

Ang mga Uri ng Hamon

Mga Karagatan ng Daigdig

Mula sa mga dalampasigan at maasing lati, hanggang sa malawak na karagatan, nagyeyelong dagat, at sa kailaliman ng dagat, pabago-bago ang mga karagatan ng Daigdig. Hinihiling sa iyong gamitin ang data ng NASA upang mas maayos na masubaybayan at maunawaan ang mga karagatan ng Daigdig.

Ating Buwan

Sa buong kasaysayan ng sangkatauhan, naging isang matapat na tanglaw ang ating buwan sa mga nagmamasid ng kalangitan sa Daigdig. Hinihiling sa iyong mag-isip ng malikhain hinggil sa kaisa-isang bagay na pinakamalapit sa atin, at upang mabigyang-kahulugan ang mga data at konsepto ng NASA upang makahanap ng mga kasagutan.

Mga Planetang Malapit At Malayo

Mula sa ating mga kalapit na planeta hanggang sa mga nakikita lamang sa pamamagitan ng mga pinakamalakas na teleskopyo, matagal nang nakakabighani sa mga siyentipiko, alagad ng sining, at mangangalugad ang iba pang mga planetang-uri. Hinihiling sa iyong gamitin ang data ng NASA upang galugarin ang mga sistema ng iba pang mga planeta, malapit man at malayo.

Sa Mga Tala

Manatili man ang iyong hilig sa ating sistemang solar o higit pa, nagbibigay ng tila walang katapusang pagkakataon ang kalawakan para sa pagsusuri, paggagalugad, at inspirasyon. Inaanyayahan kang mag-isip nang mabuti at maging malikhain tungkol sa agham pangkalawakan at paggagalugad, kahit na pang-agham, teknolohikal, masining ang iyong pananaw – o lahat ng tatlo!

Pamumuhay Sa Ating Daigdig

Binubuo ng Daigdig ng mga hindi maipaliwanag na mga bagay-bagay – lupa, tubig, hangin, mga bagay na may buhay, at ang planeta mismo. Mahalaga ang pagkaunawa sa kung paano nagtutulungan ang mga bagay na ito. Hinihiling sa iyong makagawa ng mga kasagutang gamit ang data ng NASA – isang kuwento, isang laro, isang video, anumang yari ng iyong disenyo – na makakapagbigay-kahulugan sa kung paano mamuhay sa Daigdig.

De La Salle University

Philippine government

Collaborators

Communities

Space Apps celebrates the Design Week Philippines, in partnership with DTI-Design Center of the Philippines

Philippine Flag

Schedule (All times Asia/Manila)

Friday, October 18th
  1. Registration

  2. National Anthem and Opening Prayer

    Emcee: Ms. Donna Labangon

    American Corner, DLSU Libraries

  3. Opening Remarks (Livestream)

    Matt T. Keener

    Cultural Affairs Officer, Embassy of the United States of America

  4. Opening Remarks

    Br. Raymundo B. Suplido FSC

    President, DLSU

  5. Keynote Address

    Dr. Paula S. Bontempi

    Acting Deputy Director, Earth Science Division, NASA Science Mission Directorate

  6. Hackathon Objectives and Guidelines

    Federico C. Gonzalez

    Executive Director, Animo Labs TBI

  7. Break

  8. Convergence between Data Science (using scientific datasets from NASA and other sources) and the UN SDGs

    Jonathan Hodder

    Participatory Governance Expert, United Nations Development Programme

  9. Plenary topic 2

  10. NASA: Past, Present, Future

    Dr. Paula S. Bontempi

    Acting Deputy Director, Earth Science Division, NASA Science Mission Directorate

  11. Lunch break

  12. Intro to Data Bootcamp Stardust Stations

  13. Participants’ Tour of the Data Bootcamp Stardust Stations

  14. Break

  15. Continuation Data Bootcamp Stardust Stations

  16. Space Apps Reception + Kickoff

Saturday, October 19th
  1. Registration

    All participants should be present before 8:00 AM. Early bird prizes will be distributed!

  2. Introduction to the hackathon

  3. Development Lift-Off!

    Assistance from Roving Mentors

  4. Lunch break

  5. Mentoring, progress briefing, more developing

  6. Dinner break

  7. More Developing

  8. Lock down

    Stay-In Raffle

    Entering and leaving De La Salle University after 10:00 PM is not allowed.

Sunday, October 20th
  1. Doors open

    Entering and leaving De La Salle University before 6:00 AM is not allowed.

  2. All in

    All participants should be present before 9:00 AM. Early bird prizes will be distributed!

  3. Submission Deadline

  4. Lunch Break

  5. Presentations

  6. Important announcements

  7. Awarding

  8. Closing Remarks

  9. Post-event social

    Press conference

Manila Teams